Intern mates

Day 1 in super details

April 21, 2014

Hindi naman ako nagmamadali pumasok ngayong unang araw ko kasi alam kong marami pang oras. Habang sakay sa tricycle nakita ko ang napakahabang linya ng pila sa terminal at naisipang ipaderecho nalang sa kabilang daan kung saan dumadaan ang ibang mga bus papunta rin sa destinasyon ko. Nagintay ako ng mga ilang minuto at napansin kong walang dumadaan. Nagiisip ako kung pipila nalang ba ako or magbabakasakali nalang baka may dumating. Makalipas na naman ang ilang minuto, dumating ang isa ngunit priority nila ang mga nasa pila kaya doon dumeretso. Naghintay pa ako ng saglit at may dumating na naman na isang bus ngunit sa pila parin dumeretso. Humabol ako ngunit wala na kaya pumila nalang rin ako. Isang oras nalang at kalahat ang natitira sa oras ko malayo pa ko. Dumating ang isang bus hindi ko na pinalampas, kaso nga lang standing na ako pero buti nakasakay pa.

Pagbaba sa unang stop at paglakad sa mall at nakarating, pinigilan ako ng guard na umakyat kung saan yun ang alam kong daan. Closed pa daw ang mall at bawal pa. Nagpaturo ako at sinabi nya sa kanan sa labas ang daan papuntang MRT. Nakita ko naman ngunit pagslot-in ko ng Stored Value Card na binili ko nung isang araw, ayaw gumawa. Buti tinawag ako ng guard at sabihin sa teller kung anong problema. Okay naman kasi pinalitan agad, tinanong lang sakin kung magkano ang bili ko. Pagpasok sa MRT medyo pawis at hinihingal. Maluwag naman ng konti kaya okay na rin. Tinandaan ko kung saan ako bababang station. Paglabas ng MRT at pagakyat parang naligaw ako dahil parang iba ang daan bumaba ako sa may kaliwa at nawala. Hindi ako nagpanic pero napapagod ako. Tumawag ako sa bahay para magtanong pero wala naman silang alam kaya nagtanong nalang ako sa mga tao doon, at sabi sa kabila daw. Pumunta ako at naalala ko ang pamilyar na lugar kung saan malapit may Megamall. Bumaba ako at naglakad at naglakad at naglakad hanggang sa sakayan. Sumakay ako at hinatid sa Pioneer kung saan lalakarin ko nalang papunta sa building nila.

Pagpasok ko sa building nakita ko ang 4 na tao na nakaupo sa unahan ng office. Di ko kilala pero feeling ko mga Interns din talaga. Umupo ako sa tabi nila ng pawis at lapot na lapot. Naguusap sila na akala mong magkakaklase. Pero yun talaga hinala ko dahil parang close silang apat. Kinausap ko ang isa “blah blah blah etc” Makalipas ang saglit, may dumating na 2 babae, na pagod at hingal. Naguusap din sila at feeling ko close din. Napaisip ako, “Ang daya bakit ako walang sinama sa friends ko!” Pero okay parin naman kasi sabi ko sa sarili ko kaya ko ‘to kahit wala akong kakilala. Go! Nagintay kami ng mga isang oras at doon palang dumating yung kilala naming may handle samin. Naghintay kami saglit at pinatawag na kami sa Conference Room. Doon sinabi ang mga antas naming nilinaw ang ibang bagay. Napunta ako sa Event which is alam ko na talaga nung tinext pa ko na nakapasok ako. Ngunit sila pala ay yung sa Production, which is parang nakakalungkot hindi ako kasama, sa mga pili lang na araw ako isasama. Pero may kasama naman ako si kuyang nauna na mag-intern sa kanila last week. Lumabas na kami at pinaupo na kami sa mga designated seats namin. Pinagencode kami ng mga parang raffle ata yun or basta may tungkol sa event at nagpatuloy ang araw. Unti unti kaming naging medyo close at kami ay looking forward na magpatuloy pa ang magandang pakikisama. Ayos din naman ang mga nagtatrabaho doon, nakakatawa sila in a good way. Nakakatuwa pala dahil panay ang jokes sa room, eh open naman yon kaya rinig ng lahat. Masaya naman, ngunit… I have deep thoughts/doubts talaga sa mga bagay bagay, pero sana mawala ito hanggang sa pagtuloy ng pasok ko. Umalis kami ng mga 7pm+ ng sobrang nasakit na ulo ko. Kasabay ko sa pag-uwi ang isa sa kanila hanggang Taft Avenue at tinuro sakin ang direction papuntang sakayan ng bus. Di ko inaasahan may nakita akong kakilala ko sa pila at buti pinasingit nya pa ako. Ang sakit sa ulo pero okay lang masaya. Nakarating sa bay ng pass 9pm, kumain at natulog.

#Blog  #Personal  #wd  

I should sleep now, tomorrow (I mean today) is my first day and I’m still up! Huhuhu but wish me luck guys! I can do this, see you whenever in Pasig!

Back to my rockstar cut, no more tails.

Hi, long time no me

#Photos  #Me  #BTS  #Shoot  #Short Film  

themaleproject:

sans titre by .serendipia on Flickr.

(via ohdelay)

(via landonfromlondon)

artkream:

monsieurcouture:

Ellus S/S 2013

ART FASHION

(via landonfromlondon)

Lunch at Match & Mix

It’s time to see what I can do
To test the limits and break through
No right, no wrong, no rules for me,
I’m free!

Guess from what song this stanza is?